Nasabat ng mga otoridad ang marijuana na nagkakahalaga ng P1.6-milyon na nakasilid sa isang package sa Pasay City.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nakuha nila ang ilegal na droga sa loob ng packaging kasama ng ilang pambatang komiks.
Batay naman sa pahayag ng Pasay police, agad naaresto si Joseph Marck Tamo matapos nitong i-claim ang nasabing parcel na naglalaman ng mariujuana.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng custodiya ng BOC si tamo at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.