Puspusan pa rin ang kampaniya ng Philippine National Police (PNP) kontra sa iligal na droga sa kabila na rin ng mga limitasyon dulot ng COVID-19 pandemic.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos matapos maaresto ng pulisya ang dalawang drug suspek sa buy bust operations na ikinasa sa Valencia, Bukidnon.
Kinilala ng Valencial Municipal Police Station ang mga naarestong suspek na sina Jonathan Ian Agdon at Raul Loregas.
Nasabat ng mga awtoridad mula sa mga naaresto ang may 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 1 milyong piso.
Kasalukuyan nang naisailalim sa inquest ang dalawang naaresto habang ihahain na ang mga kaso laban sa kanila partikular na ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)