Naabot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mahigit isang bilyong pisong kita sa loob lamang ng dalawang linggo o mahigit isandaang milyong pisong kita kada isang araw.
Ayon sa PCSO, ang 1.23 billion pesos na kita ng ahensya ay mula November 1 hanggang 14 kung kailan din naabot ng PCSO ang itinuturing na milestone matapos sumipa sa halos 105 million pesos nitong november 14 ang benta ng lottery tickets.
Dahil dito, ipinaabot ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang pasasalamat sa publiko sa patuloy na suporta at pagsali sa mga laro ng pcso partikular ang lottery games.
Natutuwa aniya sila dahil dumarami ang nakikiisa sa kanilang mga games na patunay ng tiwala sa PCSO sa gitna na rin nang patuloy na pagkakasa nila ng innovations o paghahanap ng mga magagandang laro at pagiging transparent at credible ng kanilang games.
Ang paglipat ng PCSO sa state-of-the-art PLS ay nag resulta sa pinalawak na efficiency at transparency dahil naka-centralized na ang sales reports, mayruong real time identification ng lotto winners at pagbibigay ng higit na accessible ticket validation.
Nitong nakalipas na October 30 ay itinakda ng PCSO ang jackpot prize sa lahat ng games nito sa 89 million pesos bilang pagdiriwang na rin ng 89th anniversary ng ahensya na tinaguriang anniversaregalo bilang pagbabalik din sa kanilang lotto patrons.
Kasabay nito, tiwala si GM Robles na patuloy na tataas ang kita ng PCSO o mahigitan pa ang target nito ngayong taon para na rin mas marami pang matulungang mga pilipinong nangangailangan.