Mangangailangan ng P10-B hanggang P15-B pondo ang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, target ng TUPAD Program na matulungan ang dalawa hanggang tatlong milyong informal sector workers na apektado ng krisis bunsod COVID-19 pandemic.
Sa ilalim umano ng programang ito mabibigyan ng trabahong may minimum wage ang mga manggagawang sa informal sector sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Batay sa datos ng DOLE, aabot sa mahigit 300,000 OFW nawalan ng trabaho, 60,000 rito ang hanggang ngayon ay stranded sa iba’t-ibang bansa.