Nakapagtala ang National Electrification Administration (NEA) ng mahigit 109 million pesos na halaga ng pinsala sa electric cooperatives matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Sa assessment ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department, naapektuhan ng bagyo ang 25 electric cooperatives sa bansa.
Pinaka-napuruhan ng kalamidad ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) na nakapagtala ng 57 million pesos na halaga ng pinsala.
Samantala, nasa ilalim pa rin ng partial power interruption ang 13 electric cooperatives.