Humigit kumulang nasa P105-M ang naitalang pinsala kaugnay ng pananalasa ng bagyong Vicky sa bansa.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang inilabas na situationer’s report ngayong araw.
Nakasaad din sa ulat na 83 kabahayan ang napaulat na napinsala sa Cebu kung saan 62 rito ang labis na nawasak habang 21 naman ang bahagyang napinsala.
Sa kabila nito, inihayag sa DWIZ ni Office of the Civil Defense (OCD) Spokesperson Dir. Mark Timbal na bagama’t may mga inilikas na pamilya dulot ng bagyong Vicky, naging maagap naman ang mga lokal na pamahalaan para maghatid ng ayuda sa mga ito.
Nagkaroon ng mga 55 families na nag-preemptive evacuation sa Region 7 at Region 8, at umabot ng 6,702 persons ang naapektuhan dyan sa Region 11 at sa Caraga. Some of them have evacuated din para makaiwas sa mga pagbaha na naganap,” ani Timbal.