Ipinababalik ng Commission on Audit (COA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mahigit 11.6 million pesos na ginastos nito sa traffic safety projects sa Davao City.
Ito’y makaraang mapag-alaman na mayroong iregularidad sa naturang proyekto.
Ayon sa COA, kuwestiyonable ang disbursements ng pondo, kagaya sa guardrails, road signs at mga foundation block na substandard at depektibo.
Mahaharap naman sa kaukulang reklamo sina dating District Engineer Lorna Ricardo, Assistant District Engineer Dwight Fernandez, maging ang contractor na E. Gardiola Construction/Elaine Gardiola. - sa panulat ni Hannah Oledan