Sumampa na sa P12.19-B ang halaga ng school buildings at learning materials na napinsala dahil sa sunod-sunod na bagyong humagupit sa bansa.
Sa ginanap na Senate hearing, isiniwalat ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na umabot sa 1,650 classrooms na nagkakahalaga ng P6.6 bilyon ang nasira ng bagyong Rolly habang nasa P3.8-B naman sa bagyong Ulysses.
Dahil dito, nanawagan si Malaluan sa Senado na huwag tapyasan ang budget ng ahensya para sa school buildings sa susunod na taon.
Samantala, inihayag naman ni Senate Committee on Basic Education chair Sherwin Gatchalian na titiyakin ng Kongreso na maaayos ang mga napinsalang paaralan bago ang inaasahang pagbabalik ng physical classes sa 2021.