Pumapalo na sa mahigit P12-B ang kabuuang halaga ng pinsala ng bagyong Rolly sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Agriculture Region 5, higit P3.6-B na ang halaga ng pinsala sa ng bagyong Rolly sa sektor ng agrikultura.
Kabilang anila rito ang higit 63 ektaryang nasirang mga sakahan at higit 155,000 metriko toneladang mga pananim.
Samantala, mahigit P4.6-B naman ang naitalang kabuuang pinsala sa imprastraktura ng bagyong Rolly batay sa datos ng Department of Public Works and Highways.
Binubuo anila ito ng higit P1-B halaga ng pinsala sa mga national roads at tulay, higit P1.8-B sa flood control infrastructure at higit P1.7-B sa mga gusali.
Habang pumalo naman sa mahigit P4.2-B ang pinsala sa mga eskuwelahan at iba pang pasilidad ayon sa Department of Education (DepEd).