Dapat maglabas ang pamahalaan ng aabot sa P13-B oras na ituloy ang panukalang i-subsidize ang pagbibigay ng mga maliliit na negosyo ng 13th month pay sa kanilang mga trabahador.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, sa kanyang pagtataya ay maglalaro mula lima hanggang P13.7-B ang gagastusin ng pamahalaan, kumporme pa sa datos na gagamitin ng ahensya o Philippine Stastistics Authority (PSA) para matantiya ang kakailanganing pondo.
Dagdag pa ni Bello, kanya nang naiprisenta sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang naturang panukala pero wala pa itong pahayag kung ito’y sinang-ayunan ng IATF.
Samantala, oras na aprubahan ang pagsusubsidy sa 13th month pay ng mga maliliit na negosyo, ay kinakailangang mag-apply ang mga ito para maging parte ng programa.