Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) at Philippine Drug Enformcent Agency (PDEA) ang isang drug suspek.
Ito’y kasunod ng ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Bagong Silang, Caloocan City kung saan ay nasabat ang 2 kilo ng shabu at nagkakahalaga ng 13.6 na milyong piso.
Kinilala ni PDEG Director P/BGen. Remus Medina ang drug suspek na si Janesa Cabardo Canoy na taga-Tondo, Maynila at kasalukuyang nasa kostudiya na ng PDEG sa Kampo Crame.
Pagmamalaki ni Medina, ang pinakabagong operasyon na ito ay bahagi ng 90 milyong pisong halaga ng mga iligal na droga na kanilang nasabat matapos ang 5 araw nilang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula Enero 17 hanggang a-23 ng taong kasalukuyan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)