Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na P13B halaga ng pondo ang kakailanganin para sa pag-upgrade ng Air Traffic Management System sa bansa.
Kasunod ito ng pagkaantala ng maraming mga flight nito lamang bagong taon kung saan, libu-libong pasahero ang na-stranded dahil sa technical glitch sa NAIA.
Ayon sa CAAP, luma na umano ang mga kagamitang ginagamit sa Communication, Navigation at Surveillance o ang Air Traffic Management System dahilan kaya nagkaroon ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Iginiit ng ahensya na ang naturang kagamitan ay maaari pang gamitin kahit taong 2010 pa ito nang mapunta sa NAIA kung saan, kailangan lamang itong i-upgrade para maiwasang maitala ang ibat-ibang uri ng aberya.