Timbog ang isang babae makaraang mahulihan ng nasa 16.9 million pesos na halaga ng ecstasy sa Quezon City, kahapon.
Kinilala ang suspek na si Elisha Mae Ilas, residente ng barangay Tatalon, Quezon City.
Nadakip si Ilas ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quezon City Police District – Galas Station 11 at Bureau of Customs – Port of Clark.
Ayon kay PDEA Director-General Wilkins Villanueva, mag-a-alas kwatro ng hapon nang masakote ang suspek sa barangay Tatalon at nakumpiska rito ang halos 10,000 piraso ng ecstasy.
Nadiskubre anya ang mga iligal na droga sa bahay ni Ilas makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na may idedeliver na package sa suspek.
Iniimbestigahan na kung saan nagmula at sino ang nagpadala ng mga droga. —sa panulat ni Drew Nacino