Naglabas ng pondo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mahigit P189-M para sa medical assistance ng mga indigent beneficiaries sa bansa.
Ayon sa PCSO, mabibigyan ang nasa 24,545 na benipisyaryo habang 3,116 beneficiaries sa National Capital Region (NCR) kung saan alisunod ito sa programang Medical Access Program (MAP).
Kabilang din ang Northern Luzon na may 5,640 benipisyaryo, 6,318 sa Southern Tagalog at Bicol Region.
Nilalayon ng programang MAP ang ahensya na matulungan ang mga nasa ospital na naka-confine, sumasailalim sa dialysis, hemotherapy at post kidney transplant. - sa panunulat ni Jenn Patrolla