Arestrado ang 2 drug suspek matapos makuhanan ng mahigit P20-M halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng Central Luzon Regional Police kagabi.
Kinilala ng Nueva Ecija Provincial PNP ang mga drug suspek na sina Sittie Pindatun at Nor-an Bilal na kapwa residente ng Dasmarinas Cavite na umano’y major distributor ng shabu sa NCR, Bulacan at Nueva Ecija.
Nakuha mula sa mga naarestong suspek ang nasa 3 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa 2 pakete ng Chinese Tea bags gayudi sa 10 piraso ng nakataling plastic bags na nagkakahalaga ng P20,400,000.00.
Nasamsam din sa kanila ang marked money na ginamit ng Pulis na nagpanggap na poseur buyer at 2 smart phones mula sa mga suspek.
Dahil dito, ipaghaharap ang dalawang naarestong drug suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)