Nasabat ang nasa P20.193M na halaga ng smuggled carrots at onions sa Port of Subic.
Ayon sa tauhan ng Bureau of Customs, nagmula sa China ang isa sa mga shipment na idineklarang “Assorted Food.”
Samantala, ang isa pang shipment ay idineklarang frozen lobster balls at crabsticks, ay natagpuang naglalaman ng pula at puting mga sibuyas.
Agad namang naglabas si BOC District Collector Maritess Martin ng alert orders laban sa Veneta Consumer Goods Trading and Lalavy Aggregates Trading. —sa panulat ni Hannah Oledan