Kinuwesyon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang kawalan ng transparency sa mahigit P200-B Unprogrammed Appropriations (UA) sa 2020 budget.
Mula anya sa mahigit P67-B noong 2016 lumobo sa halos P200-B ang unprogrammed appropriations ngayong taon at tataas pa sa mahigit P200-B bilyong piso kapag naipasa ang 2020 budget.
Ayon kay Recto, dapat malaman ng lahat na ang mahigit sa P200-B Unprogrammed Appropriations ay hindi pa kasama sa 4.1-T proposed budget para sa susunod na taon.
Ibig sabihin, kung pagsasamahin ay nasa P4. 3-T ang panukalang budget para sa 2020.