Arestado ang tatlong drug suspek matapos na makuhanan ng P200-K halaga ng shabu sa Lalawigan ng Rizal.
Batay sa imbestigasyon ng Police Regional Office 4-A, nakuha sa mga suspek na sina Prince Noblejas at Rayven Ramirez sa Bayan ng Angono ang nasa 25 gramo ng nasabing ilegal na droga.
Nakumpiska rin sa mga ito ang isang motorsiklo na pinaniniwalaang ginamit sa ilegal na transaksyon.
Samantala, nakuha rin mula sa suspek na si Dominguito Rull sa Bayan ng Tanay ang dalawang plastic sachet ng ilegal na droga na nagkakahalagang mahigit P13-K at isang cal .45 pistol na may lamang bala.
Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.