Naglaan na ang Kongreso ng pondo para makabili ng kailangang equipment ang PHIVOLCS para sa monitoring at warning program sa pagputok ng bulkan.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, dinagdagan nila ng mahigit sa P200-M ang mahigit sa kalahating bilyong pisong budget ng PHIVOLCS upang mai-upgrade ang kanilang warning program para sa pagputok ng bulkan, lindol at tsunami.
Sa harap aniya ng biglaang pagputok ng taal, dapat ay agad nang gamitin ng PHIVOLCS ang inilaan nilang pondo.
Una nang nagreklamo ang mga residente ng CALABARZON na biglaan at wala man lang naibigay na warning ang PHIVOLCS hinggil sa pagputok ng Taal Volcano.