Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit dalawampu’t apat na milyong pisong halaga ng ecstacy sa Pasay City.
Ayon sa report, tinatayang nasa mahigit 15,000 na tableta ng ecstacy ang ibinalot sa mga plastik at isiniksik sa CPU ng desktop computer na ipinadala sa pamamagitan ng central mail exchange center.
Lumilitaw na August 4 pa dumating ang naturang package galing France na kinuha ng isang Joan Reynoso makalipas ang dalawang linggo.
Ang mga nasabat na droga ay sasailalim sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang sasampahan naman ng kaso ng BOC si Reynoso na napag-alamang taga Cavite City.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na naharang ng customs ang mga ipinupuslit na party drugs.