Halos P252-M na halaga ng shabu ang nasabat ng PNP mula sa mag-asawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City, Cavite.
Kinilala ang mga inarestong sina Datu Ali Dayo Sampulna, 38- anyos at Almira Karao Sampulna, 30- anyos, kapwa residente ng Cotabato City.
Ayon kay PNP – Drug Enforcement Group chief, Brig. Gen. Narciso Domingo, nakumpiska mula sa dalawa ang nasa 37 kilos ng shabu nang matiyempuhan ang mga ito sa Happy Homes Subdivision, Barangay Buhay na Tubig.
Sa Quezon City naman, tinatayang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4-M ang nasabat din sa buy-bust operation mula sa isang MILF Commander sa Barangay Bagong Pagasa.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency ang MILF Commander na si Mansawi Muntilala, 38- anyos, Barangay Chairman ng Boto Ambulong, Marawi City, Lanao del Sur.
Nahaharap ang tatlong suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.