Aabot sa 217 kilo ng marijuana ang nasabat ng mga tuhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito’y sa ikinasa nilang buy bust operations ng NCRPO kasama ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at iba pang police units sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City.
Nagresulta naman ito sa pagkakaaresto ng tatlong suspek na kinilalang sina Diane Irene Cambalicer, isang negosyante gayundin sina Louie Mark Cuerdo at Angelo Pascual.
Nakuha mula sa mga naarestong suspek ang 217 bloke ng mga hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P26 milyong.
Pinapurihan naman ni NCRPO Director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang mga operatibang nagkasa ng operasyon at tiniyak sa publiko na hindi sila titigil hanggang sa tuluyang malinis ang Metro Manila mula sa impluwensya ng iligal na droga.