Aabot sa 27.6 milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinsang buy-bust operation sa Imus, Cavite noong Miyerkules.
Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Imus City Police ang isang lalaki sa naturang operasyon.
Nasa apat na kilo ang timbang ng nakuhang umano’y shabu mula sa suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.