Aabot na sa mahigit tatlong bilyong piso ang inilaang pondo ng US Agency for International Development (USAID) para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa kanyang pagdalo sa unang anibersaryo ng paglaya ng Marawi sa kamay ng Maute-ISIS, inihayag ni US Ambassador Sung Kim ang karagdagang 1.35 bilyong pisong tulong para sa Marawi Response Project.
Ayon kay Kim, layunin ng Marawi Response Project na makatulong sa pundasyon ng pagbangon ng mga komunidad na nasira ng bakbakan.
Kasabay nito, nag-alay rin ng bulaklak si Kim sa Camp Ranao para sa mga sundalong nasawi sa digmaan sa Marawi.
—-