Nasabat ng mga otoridad ang mahigit P300-K halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang drug suspect sa Brgy. San nicolas, Minalin, Pampanga.
Kinilala ang suspek na si Alezandro Cunanan, 43-anyos, at residente ng Donia Victoria Dau sa Mabalacat.
Maliban sa P360,000 na halaga ng umano’y shabu, nakumpiska rin sa operasyon ang P1-K buy-bust money, isang cellphone, driver’s license, at isang motorsiklo.
Reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa suspek. — ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)