Naipalabas na ng pamahalaan ang mahigit sa 50% ng P100-B na laan para sa buwan ng Abril bilang ayuda sa mga sektor na apektado ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Cabinet Secretary at Inter Agency Task Force Spokesman Karlo Nograles, mahigit sa P300-M na anya ang naipamahagi sa may 40,000 tsuper at transport groups sa National Capital Region (NCR).
Nasa P43-B naman anya ang nai-release na sa mga local government units para sa social amelioration program.
Tiniyak ni Nograles na kumikilos naman ang Dswd at ang Local Government Units upang maisaayos ang mga reklamo patungkol sa listahan ng mga beneficiaries at maipamahagi ang pondo sa lalong madaling panahon.