Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency at Joint Task Force Marawi ang iba’t ibang klase ng mga iligal na droga sa isang gusali sa Norhaya Village Marawi City.
Kabilang sa nakuha ng mga otoridad ang nasa isang daan at limampung (150) gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tatlong daan at pitumput limang libong piso (P375,000.00).
Nakuha ang dalawang packs ng hinihinalang cocaine at tatlumput pitong (37) pakete ng marijuana.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang may-ari ng mga nasabing iligal na droga.
By Krista De Dios