Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 31.5 milyong pisong halaga ng peke at hindi otorisadong health products sa Sta. Cruz, Maynila nitong Abril 19.
Ayon sa BOC, nakumpiska ang naturang mga produkto mula sa mga warehouse sa 1005 Ongpin Street at unit A, B, C, at D sa 641 Fernandez Street.
Kabilang sa mga nakuhang produkto ng mga otoridad ay ang Lianhua Lung cleansing tea, healthy brain pills, gluta lipo, lidan tablets, Nin Jiom Pei Pa Koa, at vita herbs.
Sinabi ng BOC na hiniling nila sa mga may-ari ng warehouse na magpakita ng importation documents at iba pang permits.
Nagkasa na rin ang ahensya ng imbestigasyon para sa posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act Republic Act at Intellectual Property Code of the Philippines.