Walang pahinga ang mga awtoridad sa kanilang kampanya kontra krimen at iligal na droga kahit ngayong panahon ng holidays.
Ito’y matapos masabat ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa ikinasang buy bust operations ang mahigit 5 kilo ng shabu sa Amparo Subd. Brgy. 179 sa Caloocan City nitong bisperas ng Pasko.
Naaresto sa lugar ang suspek na si Uriel Hewe Jr., isang transport network vehicle service (TNVS) driver kung saan, nasabat sa kaniya na ang shabu na nakasilid sa Chinese tea bags at nagkakahalaga ng mahigit P34 milyong.
Nakuha rin sa suspek ang ilang ATM cards, cellphone, weighing scale, kalibre 45 pistol at mga bala nito, perang nagkakagalaga ng mahigit P10 milyong at buy bust money na ginamit sa operasyon.
Dahil dito, ikinakasa na ang kasong isasampa laban sa naaresto ng si Hewe partikular na ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.