Hindi na itinuloy ng Deparment of Education (DepEd) ang bidding para sa mahigit P4-M pondo na pambili sana ng Christmas ham at cheese para sa nakatakdang Christmas party sana ng central office.
Matatandaan na sa pinost na dokumento ng DepEd noong Nobyembre 12, hinihikayat nito ang mga interesadong bidders na sumali sa bidding para sa pag-purchased ng ahensya ng mahigit P4-M halaga ng ng hamon at keso.
Ngunit naging maagap ang DepEd, dahil agad rin nitong inalis sa kanilang website ang invitation to bid.
Ayon sa paliwanag ng kagawaran ng edukasyon, inilaan na lamang ang budget na ito para sa pagbibigay ayuda sa mga hinagupit nina bagyong Rolly at Ulysses.
Gagamitin rin ang ilang bahagi ng pondong ito sa nagpapatuloy na COVID-19 efforts ng pamahalaan para sa mga kawani nito.