Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pambansang pondo para sa 2020.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, P4.1-trillion ang inaprubahang national budget ng pangulo para sa susunod na taon.
Mas mataas ito sa inaprubahang P3.757-trillion para sa 2019.
Sinabi ni Panelo, nakaplano ang proposed budget para matugunan ang ilang dekada nang pangangailangan ng mayorya ng mga Pilipino.
Tulad aniya ng mga kakulangan sa mga pangunahing serbisyo, imprastraktura na kinakailangan sa pagpapalago ng ekonomiya, pagpapanagot sa mga tiwalang opisyal ng pamahalaan, edukasyon at kahirapan.
Dagdag ni Panelo, pangunahing paglalaan ng budget ang edukasyon, public works, transportasyon at kalusugan.