Binanatan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay si dating Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas kaugnay sa hindi nito paggamit sa disaster risk reduction and management projects na nagkakahalaga ng mahigit sa 40 milyong piso.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay, malaki sana ang maitutulong ng pondong iyon upang mai-angat ang lebel ng disaster preparedness ng mga Local Government Unit sa buong bansa noong siya pa ay pinuno ng DILG
Base sa datos ng Commission on Elections, ang kakulangan sa koordinasyon at pagmomonitor ang dahilan kung bakit hindi naipatupad ang proyekto.
Ibinunyag din ni Quicho na hindi rin nagamit ng DILG noong 2013 ang 10 milyong pisong donasyon para mga nasalanta ng bagyong Pablo.
Naniniwala si Quicho na ang mabilisang aksyon ang kailangan upang masagip ang mga dapat masagip tuwing may kalamidad
By: Rianne Briones