Mahigit apatnaraang tatlumpung (430) bilyong piso o 1 trillion yen na halaga ng business opportunities at private investments ang ipinangako ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanyang pagbisita sa Pilipinas.
Ito ang tulong ng Japan para sa economic development ng Pilipinas sa pamamagitan ng official development assistance at private sector investments sa susunod na limang taon.
Sinaksihan din nina Pangulong Rodrigo Duterte at Abe ang paglagda sa ilang kasunduan tulad ng Japanese grant sa mga sea vessels at iba pang counterterrorism equipment para sa Philippine Coast Guard na nagkakahalaga ng 5 million dollars.
Nagpasalamat naman si Duterte sa tulong ng Japan na mapalakas ang kapabilidad ng PCG upang mabantayan ang mga territorial waters ng Pilipinas.
ASEAN Summit
Suportado ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pag-ho-host ng Pilipinas sa ASEAN at East Asia Summit ngayong taon.
Ito ang tiniyak ni Abe sa kanyang pagharap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.
Makatitiyak din anyang magtatagumpay ang dalawang regional forum na idaraos sa Pilipinas.
Sinusuportahan din anya ng Japan ang layunin ng ASEAN na palakasin ang unity at centrality ng organisasyon at i-bilang free at open community.
By Drew Nacino | Report from: Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: AP