Aabot na sa 400 milyong piso ang halaga ng mga narekober na high-grade cocaine sa karagatan ng Camarines Norte, simula pa noong isang linggo.
Nito lamang Lunes ay nasa 16.5 liters na liquid cocaine na isinilid sa isang container ang nalambat sa Calaguas Island ng mga mangingisda mula Perez, Quezon.
Ayon kay PNP Chief, Director Oscar Albayalde, ang narekober na container ay may kakayahang mag-produce ng labing tatlong (13) kilo ng cocaine na nasa 130 million pesos ang halaga.
Isang tracking device rin na pinaniniwalaang gamit ng isang malaking sindikato ng droga ang narekober.
—-