Nakapagpalabas na ng kabuuang P43.89 million ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mag-aaral sa Western Visayas.
Kasama sa halaga ang P22.7 million na inilabas noong August 27 at P20.76 million na inilabas naman noong August 20.
Kabuuang 16,033 benepisyaryo ang mayroon sa Western Visayas na kinabibilangan ng; 3,937 sa elementarya; 3,214 sa Junior High School; 2,015 sa Senior High School at 6,867 sa kolehiyo.
Ang probinsya ng Iloilo ang nakatanggap ng pinakamalaking pondo na nagkakahalaga ng P15.11 million.
Sumunod dito ang Negros at Bacolod City na may P7.509 million; Capiz, P6.709 million; Aklan, P5.404 million; Antique, P5.3 million at Guimaras, P3.85 million.