Nasabat ang mahigit 44 million pesos na halaga ng smuggled na puting sibuyas na mula sa China.
Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port, Chief Alvin Enciso, nadagdagan pa ang kanilang sinuri sa dalawang shipments.
Magsasampa aniya ang ahensya laban sa mga sangkot sa smuggled na sibuyas.
Nabatid na nakumpiska ng BOC ang mahigit 153 million pesos na halaga ng mga pula at puting sibuyas noong January 10.
Inaasahan pa ng customs na madadagdagan pa ang mga masasabat na sibuyas dahil sa patuloy na pagsusuri ng ahensya. – Jenn Patrolla