Pumalo na sa mahigit P500-M ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng pananalasa ng bagyong Ursula.
Batay sa typhoon monitoring bulletin ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, mahigit 4,600 ektarya ng palayan, maisan, taniman ng kamote at niyog ang nasalanta ng bagyo.
Habang umabot naman sa P569-M ang halaga ng pinsala sa mga palaisdaan.
Ayon sa DA, partikular na nawasak at nagtamo ng pinsala ang mga fishponds ng tilapia, fishcages, fishpens, seaweeds, mga bangkang de motor gayundin ang mga non-motorized bancas, balsa at boundary marker.