Aabot sa mahigit P500-M ang halaga ng shabu na nasamsam sa daawang suspek na naaresto ng mga otoridad matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa Mandaluyong City.
Sa tulong ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Drug Enforcement Group (DEG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nalambat ang dalawang big time pusher na kinilalang sina Mike Abac, 32-anyos, at Edison De Guzman, 37-anyos.
Ayon sa mga otoridad, aabot sa 77.5 kilo ng shabu ang nakuha sa mga suspek na nagkakahalaga ng 534, 750 kasama ng iba’t-ibang klase ng drug paraphernalia, cellphone at buy-bust money.
Nakakulong na ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Angelica Doctolero