Malaya na sa P57-B na utang ang mga magsasaka na benepersyaryo ng Agrarian Reform Program.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang bagong Agrarian Emancipation Act of 2023, na nagbubura sa utang ng mahigit 600 magsasaka.
Ang New Agrarian Emancipation Act, o Republic Act (RA) no.11593, ay pakikinabangan ng humigit-kumulang 610,054 Pilipinong magsasaka na nagbubungkal ng mahigit 1,700,000 ektarya ng mga lupain sa ilalim ng repormang agraryo.
Sa ilalim din ng umiiral na agrarian laws, sinabi ni Pangulo Bongbong Marcos na ang bawat Agrarian Reform Beneficiary (ARB) ay kailangang magbayad ng halaga ng lupang ibinigay sa kanya sa loob ng 30 taon na may 6% interest.
Una nang sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na lalagdaan ni PBBM ang batas bago ang ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA).