Mahigit P6 million halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga otoridad sa ikinasang sea patrol operation sa Coat of Manalipa Island, Zamboanga City.
Ayon kay Philippine National Police officer-in-charge police lieutenant general vicente danao jr., pitong suspek na sakay ng motorized wooden watercraft na tinawag na “jungkong” ang naaresto sa nasabing operasyon.
Kinilala ang mga nadakip na sina Benzar jajales, Pijing Muknan, Binbin Asiril, Elnejin Asiril, Minkadra Sakili, Sherwin Masakin at Adzmir Bakki.
Sa naturang operasyon, nakumpiska ng tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, Bureau of Customs, BOC-Customs Intelligence and Investigation Service at BOC-Enforcement Security Service ang nasa 178 master cases ng sigarilyo na tinatayang nasa 6, 230, 000 ang market value.
Samantala, nangako si Danao na paiigtingin pa nito ang pagsugpo sa naturang iligal na aktibidad.