Dinepensahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang mahigit 650 million pesos na halaga para sa 2023 Proposed Confidential Funds na gagamitin laban sa mga krimen o iligal na aktibidad na target ang mga estudyante.
Kasunod ito ng ginawang pagpuna ni Gabriela Rep. Arlene Brosas, tungkol sa mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng pondo na inilaan ng OVP maging ang 150 milyong pisong halaga ng pondo, para naman sa Department of Education (DepEd) kung saan, “unfunded” umano ang pagpapatayo ng mga classroom.
Iginiit ni VP Sara na maraming problema ang mga estudyante gaya ng sexual grooming at sexual abuse, maliban pa sa recruitment ng mga kabataan sa ilalim ng kriminalidad, pang-aabuso at iba pa.
Ayon kay VP Duterte, layunin ng ahensya na matugunan ang kakulangan sa mga silid aralan, upuan, at mga text book learnings.
Matatandaang inaprubahan kahapon sa ilalim ng House Appropriations Panel ang 2.37 billion pesos na budget na hinihiling ng OVP na siyang tutulong sa problemang kinakaharap ng ahensya.