Umabot na sa mahigit P68 million (P68,372,574.03) na halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development, mga lokal na pamahalaan at iba pang partners, sa mga biktima ng bagyong Karding.
Batay sa inilabas na DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center report, nasa 275,742 pamilya o 983,952 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.
Mula ito sa 1,939 barangays sa Regions I, II, III, CALABARZON, V at CAR.
Nananatili sa 24 evacuation centers ang 817 pamilya habang 8,784 pamilya naman ang nanunuluyan sa ibang lugar.
Nasira ng bagyong Karding ang ilang mga kabahayan kung saan 7,424 ang totally damaged habang 38,609 ang totally damaged.