Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit P69M pondo para sa National Livestock Program ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay DBM secretary Amenah Pangandaman, ito’y upang suportahan ang Protein-Enriched Copra Meal (PECM) Commercialization Project kung saan layon nitong palakihin ang Production Support Services (PSS) ng nabanggit na programa.
Ang Protein-Enriched Copra Meal ay ginagamit bilang feed ingredient na maaaring palitan ng imported soybean na makatutulong para sa mga nag-aalaga ng baboy at manok.
Nabatid na hangarin ng Administrasyong Marcos na tulungan ang agriculture sector sa kanilang produksyon upang mapanatili ang mga presyo nito.