Pinababalik na ng Commission on Audit o COA ang nasa mahigit 7.4 million pesos na excessive allowance na natanggap umano ni Solicitor General Jose Calida noong 2017.
Batay sa annual audit report ng COA, nasa 8.38 million pesos ang natanggap na sahod ni Calida sa nasabing taon kung saan lumalabas na sobra ito ng mahigit 50 porsyento sa dapat ay taunang sahod ng isang SolGen.
Ayon sa mandato, tinatayang nasa higit 1.8 million pesos ang annual salary ng isang SolGen, at hindi maaaring lumampas ng 900,000 pesos ang allowance nito.
Bukod kay Calida, kinuwestyon din ng COA ang mahigit tatlong milyong pisong sahod na natanggap ng 13 abogado mula sa tanggapan, gayundin ang mas mababang take home pay ng mga empleyado ng OSG na paglabag umano sa general appropriations act.