Aabot sa halos P100-M halaga ng mga iligal na droga at marijuana ang nasabat ng Philippine National Police (PNP)
Ito’y ayon sa PNP Public Information Office ay mula sa 25 magkakahiwalay na operasyon na kanilang ikinasa sa buong bansa sa nakalipas na isang linggo.
Ayon sa PNP, sa kabuuan ay may 700 kg ng shabu at mahigit 200,000 fully grown marijuana ang kanilang nasamsam.
Nagresulta rin ang pinaigting na anti-drugs operation sa pagkakaaresto sa mahigit 50 drug suspects sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mula Hunyo 1, papalo na sa mahigit P8-B halaga ng mga iligal na droga ang nakumpiska ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) katuwang ang local police units at ang PDEA.
Muli namang iginiit ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa na patuloy ang kanilang pinaigting na kampaniya kontra iligal na droga kahit abala ang kanilang hanay sa paglaban sa COVID-19.