Tatlo (3) katao ang arestado sa inilunsad na buy-bust operation sa barangay Oberero, Quezon City.
Kinilala ang mga supek na sina Hazel Lanugan, 22-anyos, Rafael Antonio, 21-anyos at Warren Caligda, 34-anyos.
Nasakote ang tatlo sa Tomas morato avenue ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District-Drug Enforcement Unit, Northern Police District at QCPD-Station 10.
Nasabat sa operasyon ang iba’t ibang uri ng droga kabilang ang pitumpung (70) gramo ng shabu at liquid ecstasy na nagkakahalaga ng kabuuang 8.1 milyong piso.
(Ulat ni Gilbert Perdez)