Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Iner-Agency Drug Interdiction Task Group ang nasa limang kilo ng kush o high grade marijuana
Kasunod ito ng pagkakaaresto sa dalawang indibiduwal na tumangggap sa nasabing iligal na kontrabando na nagkakahalaga ng P8.2 milyong.
Kinilala ang mga naaresto na sina Van Joshua magpantay at Johnyengle Hernandez na dinakip sa loob ng isang vape shop sa Lipa City, Batangas.
Batay sa ulat ng BOC, dumating ang kontrabando sa pamamagitan ng courrier company na Fedex sa central mail exchange center sa Pasay City na nakapangalan sa isang nina manual na taga-California, USA.
Idineklara ang nasabing parcel bilang musical instrument na ipinadala sa isang Dimitria Escalona na residente ng batangas subalit nang buksan ito, tumambad ang mga high grade marijuana na nakasilid sa vacuum sealed na transparent plastic bag.