Pumalo na sa P80.49-M halaga ng agricultural products ang nasabat ng Office of the Assistant Secretary for DA Inspectorate and Enforcement mula Disyembre 21 hanggang 23 ngayong taon.
Nakalulan ang mga produktong ito sa 12 container vans sa naharang sa pamamagitan ng ikinasang anti-agricultural smuggling enforcement operations ng Philippine Coast Guard, Bureau of Customs, at Bureau of Plant Industry.
Kabilang sa nasamsam ang mga smuggled na sibuyas sa Manila International Container Port na may halagang nasa P30.79-M at P14.25-M sa Port of Mindanao International Container Terminal, sa Cagayan de Oro.
Nadiskubre rin ang tatlo pang containers sa ilalim na naman ng Taculog J International Consumer Goods na naglalaman ng smuggled red onions at carrots na may estimate value na P17.55-M.
Sa ngayon, inihahanda na ng DA ang kasong isasampa laban sa mga sangkot na personalidad sa pagpuslit ng kargamento kabilang ang paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (R.A. 10845) at Food Safety Act of 2013 (R.A. 10611).