Nagpalabas ng mahigit walongdaang (800) milyong piso ang Department of Budget and Management (DBM) para sa total administrative disability pension para sa mga beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, halos makakatanggap ng mahigit na isang libo pitong daang (1,700) dagdag na pensyon ang mahigit sa anim na libong (6,000) nabubuhay pang asawa ng mga beterano.
Itinaon ng DBM ang pagpapalabas ng pondo para sa nalalapit na araw ng kagitingan sa Abril 9.
Sinabi ni Diokno na kalahati lamang ang nasabing halaga ng total arrears sa total administrative disability pension na aabot sa mahigit 1.65 billion pesos.
Ipinahiwatig ni Diokno na mayroong posibilidad na mailabas nila ang natitira pang kalahati ng pensyon bago matapos ang taon.
—-