Nasa mahigit P86-M na ang naipamahaging assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Katuwang ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan at non-government organization sa libo-libong tinamaan ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring And Information Center, sumampa pa sa 910,000 na pamilya o katumbas ng 3.7M indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa higit 7,000 na barangay sa bansa.
Nabawasan naman na sa 73,547 na pamilya o katumbas ng 285,596 na indibidwal ang nananatili sa 2,938 evacuation centers.
Mayroon ding 145,206 na indibidwal ang lumikas rin at pansamantalang nakitira sa mga kaanak o kakilala.
Umakyat naman na sa 1,649 kabahayan ang napaulat na totally damaged habang nasa 8,451 ang partially damaged.
Samantala, tuloy naman ang pag-iikot ni DSWD Sec. Erwin Tulfo sa mga lugar na apektado ng bagyo.